Subleader ng Daulah Islamiya terrorist group, patay sa engkentro sa pagitan ng AFP at PNP sa Sultan Kudarat

by Radyo La Verdad | November 5, 2020 (Thursday) | 483

Patay sa isinagawang surveillance operation ng PNP at AFP ang isang notorious sub leader ng Dawlah Islamiya terrorist group sa Barangay Saliao, Esperanza, Sultan Kudarat kahapon ng hapon (Nov. 4).

Kinilala ito na si Jazzer Nilong na sangkot sa pamboboma sa General Santos City at pagpatay kay police Cpt. Herman Gabat.

Ayon sa WestMinCom, agad nagpaputok ang bandido nang maramdaman nito ang presensya ng mga otoridad.

Tumagal ng 2 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkamatay nito.

Nakuha sa lugar ang isang kalibre 45 na baril, 2 bomba at 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Agad namang dinisarmahan ng exposive ordnance disposal team ang nasabing mga bomba.

(Mj Fiel | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: