Sugatang motorcycle rider sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | November 28, 2017 (Tuesday) | 993

Naabutan ng UNTV News and Rescue Team ang isang sugatang lalaki sa tabi ng kalsada sa Edsa Corner West Ave. pasado alas diyes kagabi.

Ayon sa biktima na kinilalang si Jonel Capetillo, 27 years old nawalan umano siya ng balanse matapos masagi ang isang kasabay nitong kotse.

Agad nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue ang mga sugat sa braso at talampakan ni Capetillo. Tumanggi naman itong magpadala pa sa ospital pagkatapos malapatan ng pang unang lunas.

Ayon sa rumespondeng traffic constable, tila hindi nagkabigayan sa daan ang dalawang motorista. Wala rin umano sa motorcycle lane ang motorsiklo ni Capetillo na tila nagpasikot-sikot sa mga sasakyan kahit hindi naman gaanong traffic sa lugar.

Paalala ng mga otoridad, sumunod sa batas trapiko na inilalagay para sa kaligtasan ng mga motorista.

Samantala, humanga naman si Orias sa rescue ng UNTV.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Leave a Reply