Summary hearing sa mga pulis na sangkot sa Mayor Espinosa slay case, tuloy na sa Biyernes-PNP-IAS

by Radyo La Verdad | December 14, 2016 (Wednesday) | 1413

lea_tuloy
Tuloy na sa Biyernes ang pagsasagawa ng summary hearing sa mga pulis na sangkot sa pagkakapaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ayon kay Philippine National Police Internal Affairs Service Inspector General Alfegar Triambulo, may nakita silang probable cause laban sa grupo ni dating CIDG 8 Chief Superintendent Marvin Marcos kaya isasalang ang mga ito sa summary hearing.

Pinagsusumite na rin nila ng position papers ang mga nasabing pulis upang mapabilis ang proseso.

Ang grupo ni Marcos ay nahaharap sa reklamong grave misconduct na maaari nilang ikatanggal sa pwesto.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,