Sunod-sunod na operasyon ng mga pulis, bunsod nang mataas na morale dahil sa pangakong suporta ng Duterte administration

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 629

PNP
Bago pa man ang proklamasyon kahapon sa bagong pangulo ng bansa, sunod -sunod na ang operasyon ng mga pulis laban sa ilegal na droga at maging ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa.

Kaninang umaga lang, tinatayang nasa isang bilyong pisong halaga ng liquid shabu ang nadiskubre sa drug raid ng Anti-Illegal Drugs Group sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay incoming PNP Chief Pcsupt. Ronald Dela Rosa, inspirado ang mga pulis na magtrabaho dahil alam nilang kakampi nila ang pangulo.

Sinabi pa ni Dela Rosa na base sa karanasan, hindi pinababayaan ni Digong ang mga pulis na nakakasuhan dahil sa pagtupad sa tungkulin.

Sinabi naman ni PNP Spokesman PCSupt. Wilben Mayor na malaking bagay sa kanila ang suporta ng bagong pangulo.

Dagdag pa ng heneral na katayaang buhay ng bawat pulis sa mga operasyong ginagawa nila, kaya naman malaking bagay sa mga ito ang tahasang pahayag ng pangulo nang suporta sa mga pulis at kung pano wawakasan ang problema sa krimen at illegal na droga sa bansa.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,