Suplay ng kuryente, inaasahang madaragdagan Ngayong Linggo.

by erika endraca | April 15, 2019 (Monday) | 100

Manila, Philippines – Umaasa ang Department of Energy (DOE) na madaragdagan na ang suplay ng kuryente ngayong Miyerkules dahil sa nakatakdang muling pagbubukas ng mga bumigay na planta noong nakaraang Linggo.

Limang power plant ang bumigay noong nakaraang Linggo kaya naman kinulang ang reserbang kuryente na nagsu-suplay sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Dahil dito maraming mga residente ang na-apektuhan ng halos tatlong oras na brownout. Ilang araw na nagdeklara ng red alert status ang National Grid Corportation of the Philippines (NGCP) dahil naubos ang reserbang kuryente.

“Nagkaroon ng pagshutdown sa spcp nadagdag itong planta na bumigay. It conked out and it added another 150MW sa naka-out na planta… so apat na planta plus this on 150MW lumala sitwasyon” ani DOE Spokesperson Usec.Wimpy Fuentebella.

Subalit dahil sa tindi ng init maraming mga residente ang naperwisyo ng brownout.

Ayon naman sa meralco kinausap na nila ang ilan sa kanilang mga partner customer gaya ng malalaking mga mall at iba pang mga business establishment na gamitin ang interruptible load program (ILP).

Sa ilalim ng ILP, kusang binubuksan ng mga malalaking establisyimento ang kanilang mga generator upang makabawas sa demand ng kuryente mula sa power grid.

Nakiusap naman ang Meralco at NGCP  sa publiko na palaging icheck ang kanilang mga social media sites upang manatiling updated sa mga lugar na posibleng makaranas ng rotational brownout.

( Joan Nano | Untv News)

Tags: ,