Supply ng dugo sa Philippine Blood Center, nasa critical level na

by Erika Endraca | June 19, 2020 (Friday) | 4074

METRO MANILA – Kakaunti na lamang ang nagdodonate ng dugo simula nang magpatupad ng community quarantine measures dahil na sa panganib na dulot ng Coronavirus Disease 2019.

Batay sa ulat ng Philippine Blood Center (PBC), mula sa monthly average blood collection na 4000 to 5000 bags kada buwan, nakapagtala na lamang sila ng nasa 400 bags ng dugo noong Abril at bahagyang umakyat sa 800 blood bags noong buwan ng Mayo.

Sa kabila ng mababang supply, hindi naman tumitigil ang demand sa dugo para sa mga cancer patients na sumasailalim sa chemo therapy, mga nanganganak, aksidente, operasyon at iba pa.

“Ang blood collection natin nasa critical level na. Nasa down to 10 percent kami ng usual namin na blood collection.” ani Philippine Blood Center Director, Dr. Pedrito Tagayuna.

Kaya naman isinusulong ngayon ng pamunuan ng Philippine Blood Center ang mobile blood donation para mahikayat ang publiko lalo na ang mga may organisasyon na magdonate ng dugo.

Sa bisa ng DOH Department Memorandum Number 124 series of 2020, pinapayagan ang pasasagawa ng mobile blood donation sa mga komunidad sa ilalim ng ilang probisyon.

Kabilang na dito ang pagpapatupad ng social distancing measures at hindi paglagpas sa 4 na oras ng event.

Hanggang 50 healthy donors lamang na nakatira sa lugar ang maaaring dumalo sa bloodletting activity.

Bawal naman pumunta sa venue ang senior citizen, buntis, may kasalukuyang karamdaman, at nagpapakita ng sintomas ng COVID-19

Ayon kay Doctor Pedrito Tagayuna, dadaan sa masusing paghahanda ang mobile blood donation para masiguro na ligtas ang pagsasagawa nito

“Kung kayo ay home owners association, kung kayo ay nasa barangay or kung anong organization kayo meron, tunawag lang din po sa amin para mai arrange natin” ani Philippine Blood Center Director, Dr. Pedrito Tagayuna.

Tumatanggap din ang Philippine Blood Center ng mga individual donors.

Ayon kay Doctor Tagayuna, kahit walang personal na sasakyan, maaari namang sunduin mismo ng pbc ang blood donor para makapag donate sa kanilang pasilidad.

Handa rin umano silang mag isyu ng blood donors pass sa mga nasa labas ng metro manila ngunit gustong magdonate ng dugo sa Philippine Blood Center.

Batay sa Department Of Health, ang bawat bag ng dugo na naidodonate ay kayang makapagligtas ng hanggang sa tatlong buhay.

Kung kayo ay isang organisasyon, mga dating partners ng PBC o indibidwal na nais magdonate ng dugo,

Mangyari lamang na tumawag sa hotline ng Philippine Blood Center sa teleponong 89953846.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags:

Mahigit apat na libong participant nakiisa sa human blood drop formation na isinagawa ng Philippine Blood Center

by Radyo La Verdad | March 18, 2016 (Friday) | 7122

GRACE_BLOOD-FORMATION
Umabot sa mahigit apat na libong indibidwal ang nagsama-sama upang bumuo ng human blood drop formation na isinagawa ng Philippine Blood Center.

Sinasabing mas marami ang participants nito kumpara sa largest human blood drop formation na naitala sa South Korea noong 2012 na may mahigit 3-libong participants lamang.

Tumagal ng ilang minuto ang human blood drop formation kanina na kinabibilangan ng mga estudyante, guro, doktor at barangay officials.

Ayon sa Quezon City Health Office, layunin nito na bigyan ng malawak na kamalayan ang mga mamamayan sa kahalagahan ng boluntaryong pagbibigay ng ligtas na dugo.

Kasabay nito nagsagawa rin ang grupo ng blood donation upang matugunan ang sinasabing kakulangan sa supply nito.

Tinatayang aabot sa 2500-3000 units ng dugo ang kinakailangan araw-araw upang mapunan ang kabuuang pangangailangan ng bansa sa dugo.

Ang pagbibigay ng dugo ng isang blood donor ay maaaring makatutulong sa pagsalba ng buhay ng hanggang 3 tao.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

MCGI, muling ginawaran ng Jose Rizal Award ng Philippine Blood Center

by Radyo La Verdad | December 2, 2015 (Wednesday) | 7880

DUGONG-BAYANI-AWARDS
Muling ginawaran ng Jose Rizal Award ng Philippine Blood Center ang Members Church of God International sa isinagawang Dugong Bayani Awards 2015 kagabi.

Ito ay dahil sa pagiging highest contributor ng dugo ngayong taon.

Umabot sa 4296 na bag ng dugo ang naidonate ng MCGI dito sa metro manila hindi pa kasama sa naturang bilang ang mga nasa probinsya.

Ito ang ika-apat na sunod na taon na ginawaran Jose Rizal award ang MCGI.

Nagpasalamat sa MCGI si Julius Lecciones, executive director ng PBC, dahil sa malaking tulong umano ang ginagawa ng MCGI na quarterly donation lalo na at maraming mga kababayan natin ang nangangailangan ng dugo bawat araw.

Ang blood donation activities na isinisagawa ng MCGI every quarter sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano at Bro. Daniel Razon.

Nakatakda naman sa ika-labing tatlo ng Disyembre ngayon taon ang susunod na bloodletting schedule ng naturang grupo.

Tags: , ,

More News