Supply ng iligal na droga ng mga Parojinog, galing sa bilibid- PCI Jovie Espenido

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 304

Galing sa bilibid ang mga droga na ibinebenta ng pamilya Parojinog. Ito ang naging pahayag ng mga hitman ng pamilya na sumuko kay Police Chief Inspector Jovie Espenido. Nagkaroon ng lakas ng loob ang mga ito na magsalita ng mamatay si Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Taong 2004 pa umano ng simulan ng mga Parojinog ang kanilang illegal drug trade, nagsimula ang mga ito sa maliliit na kilo ng shabu na isinu-supply sa mga kalapit bayan sa Ozamiz City.

 Ayon pa kay Espenido, totoong mayroong mga pulis sangkot sa iligal na gawain ng mga Parojinog. Pinabulaanan naman ni Espenido ang sinasabi ng iba na namamatay lahat ng mayor sa lugar na kanyang nadedestinuhan.

Isa si Espenido sa binigyan ng parangal kahapon sa pagdiriwang ng anibersaryo ng PNP dahil sa accomplishments nito sa  kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga

 

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

Leave a Reply