Supply ng prutas at gulay, ihahatid nang libre sa Cagayan Valley at Ilocos Regions gamit ang pribadong eroplano – Sec. Piñol

by Radyo La Verdad | September 19, 2018 (Wednesday) | 2679

Isang mercy mission flight ang inihahanda ng Department of Agriculture bilang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ompong sa Ilocos at Cagayan Valley Regions.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, isang 7-2-7 cargo plane ang gagamitin ng ahensya upang magdala ng mga produkto gaya ng mga gulay at prutas mula sa Mindanao. Libre ang biyahe na nakatakda ngayong Huwebes.

Ang gagamiting cargo plane ay pagmamay-ari ni Archie po ng Lion Air na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa sa kalihim, may iba pang cargo planes ang kumpanya na inaasahan nilang magagamit din ng kagawaran.

Tags: , ,