Surigao Airport, hindi pa matiyak ng CAAP kung kailan ulit bubuksan

by Radyo La Verdad | February 13, 2017 (Monday) | 897


Hindi pa matiyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines kung kailan bubuksan ang Surigao Airport na napinsala ng lindol.

Hanggang March 10 ipinapasara ang naturang paliparan subalit depende pa rin ito sa isasagawang assessment sa lugar.

Ayon sa CAAP, malaki ang naging damage ng lindol sa runway na delikado para sa mga eroplano.

Tutukuyin pa ng CAAP sa tulong ng PHIVOLCS kung maaari pang magamit ang nasirang runway o kung tuluyan ng dapat ilipat ang Surigao Airport sa mas ligtas na lugar.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,