Surprise inspection sa mga police stations sa Metro Manila, muling isinagawa ng NCRPO

by Radyo La Verdad | July 9, 2018 (Monday) | 1206

Muling nagsagawa ng surprise inspection si NCRPO Chief Guillermo Eleazar sa ilang mga police stations at police community precincts sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila kaninang madaling araw.

Nilibot ni Eleazar ang mga himpilan ng pulis sa Maynila, Caloocan, Valenzuela, Quezon City at Mandaluyong. Generally satisfied naman si Eleazar sa kalagayan ng mga istasyon ng pulis.

Maliban sa isang police officer one na nahuling natutulog habang nakaduty sa Marulas Valenzuela PCP3, pinagre-report ni Eleazar sa kaniyang tanggapan ang nahuling pulis at ang station commander nito.

Patuloy na nagpaalala si Eleazar sa mga pulis na huwag isara ang mga pintuan ng mga himpilan ng pulisya para sa mga dudulog sa kanilang nasasakupan at panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa loob at labas ng mga istasyon.

 

Tags: , ,