Suspension order kay Makati mayor Binay, epektibo pa rin – DILG

by monaliza | March 17, 2015 (Tuesday) | 648

SUSPENSION ORDER

(Update) Patuloy pa ring umiiral ang suspension order ng Ombudsman laban kay Makati Mayor Junjun Binay kahit na nakakuha ito ng temporary restraining order mula sa Court of Appeals.

Sa opisyal na pahayag ng DILG, epektibo ang naturang suspensyon dahil naipatupad na ito bago pa man magpalabas ng TRO ang appellate court.

Lumabas ang TRO, ilang oras matapos makapanumba ni Vice Mayor Romulo Peña bilang acting mayor ng Makati.
Dumulog na ang DILG kay Department of Justice Secretary Leila de Lima para humingi ng opinion ukol dito.

Pero ngayong araw, binuksan na ni Binay ang operasyon ng city hall para di maabala ang mga serbisyo para sa mga mamamayan nito.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , , ,