Suspensyon ni Makati Mayor Junjun Binay, politically motivated – Sen. Binay

by monaliza | March 11, 2015 (Wednesday) | 470

BinayJunjun

Pulitika ang nasa likod ng suspensyon ng Ombudsman kay Makati City Mayor Junjun Binay kaugnay ng isyu na overpriced umano ang Makati City Hall Building 2

Ito ang iginiit ni Senador Nancy Binay matapos patawan ng anim na buwang preventive suspension ang kapatid nitong alkalde ng Makati City.

Aniya, bahagi ito ng demolition job ng kanilang kalaban sa pulitika na tinagurian nilang “Oplan Stop Nognog in 2016” na target si Vice President Jejomar Binay

Sa opisyal na pahayag ng bise presidente, tinawag na padalos-dalos ang aksyon ng ombudsman na anya’y bunsod pa rin ng hangaring mapigil sa siya sa pagtakbo bilang Pangulo sa nalalapit na eleksyon.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0