Suspensyon sa ipapataw na dagdag-buwis sa langis, aprubado na ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | November 14, 2018 (Wednesday) | 3210

Bagaman wala pang pormal na kautusang nagmumula sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte, inabiso na ni Budget Secretary Benjamin Diokno na aprubado na ng punong ehekutibo ang kanilang panukalang suspindihin ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa langis sa first quarter ng 2019, partikular na ang nakatakdang dagdag na dalawang pisong buwis kada isang litro ng langis o gasolina sa unang quarter ng 2019.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Batay sa probisyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, kung aabot ng 80 dollars per barrel o higit pa ang presyo ng Dubai crude oil sa loob ng tatlong buwang sunod-sunod, sususpindihin ang nakatakdang pagtaas ng ipinapataw na buwis sa langis.

Wala pang depenidong period kung ilang quarter ipatutupad ang suspensyon at iginiit ni Secretary Diokno na magkakaroon ang pamahalaan ng pag-aaral hinggil dito every quarter.

Iginiit din ni Diokno na may karapatan ang pamahalaang suspindihin ang excise tax kahit hindi na aabot ang 80 US dollars per barrel na presyo ng langis sa loob ng tatlong buwan batay sa isinasaad ng batas.

Tinatayang nasa 26 bilyong piso naman ang mawawala sa revenue collection ng pamahalaan sa nakaambang suspensyon ng excise tax.

Maaapektuhan din ang Pantawid Pasada na ayuda ng pamahalaan para sa mga tsuper ng jeepney. Imbes na bente mil, sampung libong piso na lamang ang matatanggap na ayuda ng mga ito.

Samantala, pinabulaanan naman ng kalihim ang ulat na hindi naabot ng pamahalaan ang target nitong revenue collection sa ilalim ng TRAIN law.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Pangulong Duterte, binigyang-diing di siya mapipigilang buksan ang usapin hinggil sa Arbitral Ruling sa pagbisita sa China

by Erika Endraca | August 22, 2019 (Thursday) | 307

MANILA, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan ng muling pagbisita sa China sa susunod na Linggo sa kaniyang unang talumpati sa publiko matapos ang mahigit 1 Linggong walang public engagement.

Aniya, walang makapipigil sa kaniyang isulong ang arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas laban sa China kaugnay ng pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea sa nakatakdang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.

Ginawa ng punong ehekutibo ang pahayag nang pangunahan ang paglulunsad ng 7.5 megawatt peak solar power project sa munisipalidad ng Odiongan, Tablas Island sa Romblon Kagabi (August 21).

“You just cannot talk air. At sabi nila hindi pag-usapan. Sabi ko, no. If I’m not allowed as a president of a sovereign nation to talk whatever I want to talk about, then let us not rather talk altogether. So whether you like it or not, will it make you happy or not, angry or otherwise, I’m sorry. But we have to talk the arbitral ruling then what we get if there is a start in the exploration and in the extraction of whatever worth there is in the bowels of the earth.” ani President Rodrigo Duterte.

Bukod sa Arbitral Ruling, isusulong ng punong ehekutibo ang pagkakaroon ng code of conduct. Gayundin ang proposal na magkaroon ng joint oil exploration ang Pilipinas at China sa West Philippine Sea kung saan ang Pilipinas ang dapat na mas makinabang.

“Any other adventures or expeditions in the marine oceans of our exclusive zones, economic zones will have a direct bearing on that arbitral ruling. Hindi ako papayag na ano, ty ‘yan.” ani President Rodrigo Duterte.

Nakatakda ang pagbisita ng pangulo sa China sa August 28 hanggang September 3. Samantala, muling nagbabala si pangulong duterte sa mga western countries na wag gawing basurahan ang pilipinas.

Matatandaang naibalik na sa Canada ang tone-toneladang basurang iligal na napadpad sa pilipinas ilang taon na ang nakakalipas matapos na magbanta si Pangulong Duterte.

“And I’d like to say to the western countries, do not make us a garbage dump. You know, you might be more powerful, more and more developed and rich. But your wealth does not translate into something like making other nations ‘yung sa bisaya ‘yung daog-daog. Api-api.” ani President Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,

Pang. Duterte, muling iginiit ang pagiging tiwali ng STL at Peryahan ng Bayan ng PCSO

by Erika Endraca | August 6, 2019 (Tuesday) | 4862

MANILA, Philippines – Tila wala pang balak bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang direktiba nito na suspensyon sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) at Peryahan ng Bayan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Una nang binawi ng punong ehekutibo ang suspension sa lotto matapos mapatunayan sa imbestigasyong walang katiwalian sa operasyon nito.

Subalit ang STL at ang Peryahan ng Bayan, ayon sa punong ehekutibo, ninanakaw ang dapat na remittance sa gobyerno.

“Tapos itong lotto. Okay, sinabi ko tinignan ko, “okay you can resume with that.” Stl, peryahan ng bayan. P***** puro nakaw. Ang i-remit nila minus ‘yung kinukunan na nila. So I had to stop it.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), posibleng abutin ng 6 na buwan ang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa talamak na katiwalian sa PCSO.

Nagsasagawa na rin ng life-style check ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa lahat ng PCSO executives.

Samantala, sa usapin naman ng peace and order, umaasa ang punong ehekutibo na maliliwanagan si Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chair Nur Misuari at gagayahin nito ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagtanggap ng alok ng pamahalaan.

Muli ring nagbabala ang pangulo kaugnay ng pinangangambahan nitong tuluyang makapasok sa bansa ang impluwensya ng teroristang isis.

“Ang tinatakutan ko ‘yung just like Iraq, Syria na maraming inosenteng taong nadadale. Talagang ako’y nagdarasal, I’m praying, I really pray, talagang lumuluhod ako sa Diyos na to spare us the kind of brutality and cruelty in our country because it will really be bloody, bloody as it can ever be.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: ,

Pagputol sa ugnayan ng Pilipinas at Iceland, ikinukunsidera ni Pangulong Duterte – Malacañang

by Erika Endraca | July 16, 2019 (Tuesday) | 14192

MANILA, Philippines – Ikinokunsidera ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na putulin ang ugnayan sa Iceland at iba pang bansang sumuporta sa resolusyon na imbestigahan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang kampanya kontra iligal na droga ng Duterte administration.

Pero ayon sa Malacañang, kinukonsidera din ng pamahalaan ang kapakanan ng mga pilipinong nagtatrabaho sa naturang mga bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maituturing na paninira sa bansa ang ginawa ng Iceland.

“Pag ang isang bansa ay nagpapahayag ng mga posisyon na makakasira sa ating kasarinlan o sovereignty ay kailangang talagang putulin natin ang relasyon natin sa kanila kung wala silang gagawin kundi siraan tayo ng siraan sa mga kalakaran na di naman batay sa tunay na pangyayari dito sa ating bayan” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

Ganito rin ang pananaw ni secretary Panelo hinggil sa 17 bansang sumuporta sa Iceland resolution. Paglilinaw naman ng palasyo, kinukunsidera rin naman ng pamahalaan ang lahat ng bagay gaya ng kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa naturang mga bansa.

Nasa pangulo rin aniya ang pinal na desisyon kung kakalas din ang Pilipinas sa UNHRC gaya ng pagkalas ng bansa sa international criminal court.

Willing din naman aniya ang Duterte administration na i-entertain ang UNHRC o anomang bansa kung magsusumite ng pormal na komunikasyon o susulat ito sa pamahalaan hinggil sa anti-drug war ng Duterte administration.

Subalit hindi payag ang palasyo na bumisita sila, mag-imbestiga sa Pilipinas, makinig at maniwala sa mga kalaban ng administrasyong Duterte. Samantala hindi rin itinuturing ng Malacañang na legally binding ang Iceland resolution.

“They have to believe what this government tells them, because this government does not lie” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,

More News