Taas-presyo sa gasolina at diesel, nakaamba ngayong linggo

by Jeck Deocampo | October 8, 2018 (Monday) | 2804

Isang bagong big time oil price hike ang posibleng ipatupad ngayong linggo ng ilang kumpanya ng langis. Ito na ang ika-siyam na sunod na linggo na tataas ang halaga ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa oil industry players, P0.80 hanggang P1.00 ang posibleng madagdag sa halaga kada litro ng gasoline. P1.40 hanggang P1.50 naman sa diesel at P1.30 hanggang P1.40 sa kerosene.

Ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw ng halaga nito sa pandaigdigang merkado.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , , ,