Tapat, malinis at mapayapang halalan sa 2022, tiniyak ni Pangulong Duterte sa Democracy Summit

by Radyo La Verdad | December 13, 2021 (Monday) | 24895

METRO MANILA – Nagbigay ng katiyakan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Virtual Summit for Democracy na dinaluhan ng kaniyang counterparts sa iba’t ibang panig ng mundo ang pagkakaroon ng maayos, mapayapa at tapat na eleksyon sa Pilipinas sa 2022.

Ayon sa punong ehekutibo, ginawa niya ang lahat sa ilalim ng kaniyang termino upang makapaglingkod sa sambayanang Pilipino.

“I step down in June 2022. The work of our imperfect democracy will certainly continue. My administration will ensure an honest, peaceful, credible, and free elections in may. It will be my highest honor to turn over the reins of power to my successor knowing that in the exercise of my mandate I did my best to serve the Filipino nation.” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Pinangunahan ni US President Joe Biden ang virtual summit at inanyayahan ang mga lider ng mga bansa, pribadong sektor at civil sector na itaguyod ang demokrasya sa gitna ng mga hamong kinakaharap nito.

Samantala, sa nalalabi namang termino ni Pangulong Duterte, ipagpapatuloy nito ang mga repormang napasimulan tungo sa recovery ng bansa mula sa pandemiya.

Inamin ng punong ehekutibo na hindi naging matagumpay ang kaniyang administrasyon sa pagsusulong ng pederalismo sa bansa.

Ayon sa pangulo, sinubukan ng kaniyang administrasyon na maisulong ito subalit hindi ito sinuportahan ng kongreso.

“My government worked to give the Filipino people the basic means to lead a life of dignity. This entails creating jobs, safeguarding peace and security, and instituting social safety nets. We have made significant headways especially in economic expansion but COVID-19 struck and reversed many of our hard-earned gains. My government also sought to broaden democratic participation through federalism but my constitutional project did not get congress support. So be it. I respect the separation of powers vital for democracy.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga plataporma ng presidente ang pederalismo subalit naging matabang ang pagtanggap dito ng mga mambabatas.

(Rosalie Coz | UNTV News )

Tags: