Target na kita ng Customs para sa buwan ng Hunyo, nakuha ng ahensya

by dennis | July 29, 2015 (Wednesday) | 983

ALBERT LINA

Bagaman hindi nasermunan nitong nakaraang huling State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino, nabigo naman nitong banggitin ang mga positibong pagbabago sa loob ng Bureau of Customs.

Ito ang naging hinaing ng ilang opisyal ng Customs na ayaw naman magpabanggit ng kanilang mga pangalan.

Pero ayon kay Customs Commissioner Alberto Lina, kahit hindi sila nakasama sa SONA ng Pangulo, patuloy pa rin nilang gagawin ang kanilang tungkulin para makalikom ng pondo at makuha ang kanilang target na kita.

Ipinaliwanag ni Lina na nitong nakaraang buwan ng Hunyo, umabot ng mahigit sa 31 bilyong piso ang kita ng Customs na mahigit sa 29.3 billion pesos na target ng ahensya.