Tatlong nasaktan sa aksidente sa motorsiklo, tinulungan ng UNTV at Balagtas Rescue Teams

by Radyo La Verdad | June 21, 2017 (Wednesday) | 943


Dalawang motorsiklo ang naaksidente sa kahabaan ng Mc Arthur Highway sa San Juan, Balagtas, Bulacan kagabi.

Sugatan ang tatlong sakay nito na sina Charlie Escobido, Paul Vincent Dela Cruz at Paul Christopher Eugenio.

Nagtamo ng mga gasgas sa katawan at posibleng bali sa kaliwang braso si Dela Cruz;si Eugenio naman ay nagkaroon ng mga gasgas sa tuhod, braso at ulo habang si Escobido ay nakaramdam ng pananakit ng balakang.

Ayon sa ilang nakakita sa pangyayari, nadulas sa kalsada ang motorsiklo ni Escobido dahil sa lakas ng ulan;

Nakasunod dito ang motorsiklo ng dalawang magka-angkas na nadulas din nang biglang mapa-preno.

Magkatuwang na nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team at Balagtas Rescue ang sugat ng mga biktima;

At pagkatapos ay inihatid na sila sa Bulacan Medical Center.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

Leave a Reply