
Nanlaban si Kian Lloyd Delos Santos gamit ang baril. Ito ang pinanindigan ng tatlong pulis Caloocan na sangkot sa kaso sa isinagawang imbestigasyon ng Senado kahapon.
Subalit batay sa spot report lumalabas na si PO3 Arnel Oares ang siyang pumatay kay Kian. Pinatutunayan umano ito ng ballistic exam dahil bala mula sa baril ni Oares ang natagpuan sa crime scene.
Itinanggi naman ng mga pulis na si Kian ang kasama nila sa CCTV footage kundi isa umanong asset. Sinabi rin ng mga ito na totoong sangkot sa kalakalan ng iligal na droga si Kian.
Sinabi naman ng PNP Forensic Team na pinatay si Kian habang nakaluhod batay sa tama ng bala sa kaliwang tenga.
Ayon naman kay PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, kriminal at murderer lamang ang gagawa na barilin ng nakaluhod ang isang tao.
Pormal naman ng nagsampa ng kasong administratibo ang PNP-IAS sa labing-apat na pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: Caloocan, Kian Delos Santos, pulis
Metro Manila – Mahigit sa siyam na libong pulis ang itatalaga ng PNP sa nasa mahigit isang libong quarantine controlled points sa greater Manila area .
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force Corona Virus Shield Commander PLTGEN. Cesar Hawthorne Binag, 7,876 dito ay itatalaga sa 929 na checkpoint sa Metro Manila. 982 naman ang ilalagay sa 162 controlled points sa Central Luzon partikular sa Bulacan at 498 na pulis naman ang magbabantay sa 15 quarantine controlled points sa CALABARZON partikular sa Cavite, Laguna at Rizal.
Nilinaw nito na hindi naman kailangan ng mga travel pass, tanging ID o employment certificate lamang ang hahanapin sa checkpoint upang mapatunayang Authorized Person Outside of Residence (APOR) ang mga ito.
Iisyuhan naman ng ticket ang mga mahuhuling lumalabag base sa ordinansa ng lokal na pamahalaan.
“’Yung gagawin lang nila doon papaalalahanan, sa nag-violate pabalikin or issue-han ng ticket ayon sa ordinansa or dalhin sa isang lugar kung nag-violate sila, sa isang gym or malaking lugar para bigyan ng lecture or panuorin ng video para pagpapaalala sakanila, hindi sila para pahirapan kundi para paalalahanan nitong ECQ protocol natin.” Ani PLtGen. Cesar Hawthorne Binag, Deputy Chief for Operations, PNP.
Payo pa ni Binag sa publiko, huwag nang magpilit pang lumabas ang mga hindi APOR at ang nasa edad 18 pababa at 65 anyos pataas dahil hindi sila makalulusot sa checkpoint.
Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga pulis na mag-ingat at alagaan ang kanilang sarili upang hindi mahawaan ng COVIC-19.
Lea Ylagan | UNTV News
Tags: ECQ, Enhanced Community Quarantine NCR, PNP, pulis
Welcome development para sa Commission on Human Rights (CHR) ang ibinabang guilty verdict ng Caloocan Regional Trial Court Branch 125 sa tatlong pulis kaugnay ng pagpatay sa 17 anyos na si Kian delos Santos.
Nagpasalamat si CHR Commissioner Chito Gascon sa lahat ng mga tumulong para makamit ang hutisya kabilang na ang mga testigo, human right defenders, mga imbestigador at ang mga prosecutor na humawak sa kaso. Pinuri naman ng Malacañang ang mabilis na resolusyon sa kaso.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang pagkaka-convict sa tatlong pulis ay patunay na patuloy na umiiral ang judicial system sa bansa. Naniniwala ang Malacañang na hindi bibigyan ng pardon ng Pangulo ang tatlong pulis.
Dagdag pa ni Panelo na ang ginawa ng mga ito ay hindi sakop ng pangako ng Pangulo na siya ang mananagot sakaling may mapatay ang mga alagad ng batas sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Samantala, nanawagan naman si Gascon sa pamahalaan na paigtingin ang kampanya para makamit ng iba pang biktima ng extra judicial killings (EJK) sa bansa ang hustisya.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: Kian Delos Santos, Malacañang, pardon
Blangko pa rin ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) sa Region 10 sa motibo ng pananambang kay PSupt. Michael John Deloso.
Si Deloso ay tinambangan ng dalawang lalaking sakay ng itim na Yamaha Mio na motorsiko sa Luna St. Cor. Provincial Road, Brgy. 29, Cagayan de Oro City habang sakay ng kanyang puting Nissan Urvan pasado alas nuebe ng umaga noong Martes.
Matapos ang pananambang, mabilis na nakatakas ang dalawang suspek na nakasuot ng bonnet at helmet patungo sa diresyon ng Provincial Jail sa Gen. Antonio Luna Street.
Nagtamo si Deloso ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ngunit nakaligtas at patuloy na nagpapagaling sa ospital.
Ayon kay PNP Spokesperson PCSupt. Benigno Durana Jr. , hindi titigil ang PNP hanggat hindi nakikilala ang mga salarin at kung ano ang motibo sa krimen.
Sinabi pa ni Durana na kababalik lamang ni Deloso sa serbisyo noong ika-20 ng Abril 2018 matapos na baliktarin ng Ombudsman ang desisyon nito noong isang taon na nagdi-dismiss kay Deloso sa serbisyo dahil sa mga kaso ng bribery at extortion.
Dagdag ni Durana, inaalam pa ng mga otoridad kung kabilang si Deloso sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang nag-alok si Pangulong Duterte ng tatlong milyong pisong reward sa mga pulis na makapapatay sa kanilang senior officials na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: Cagayan de Oro, PNP, pulis