Tatlong umano’y drug pusher, sumuko matapos ang isinagawang shame campaign ng PNP sa Bataan

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 561

joshua4
Sumuko na kaninang umaga ang tatlong hinihinalang drug pusher sa bataan.

Ayon sa Balanga City Police, resulta ito ng isinagawa nilang shame campaign sa mga hinihinalang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa lungsod.

Kahapon, isa-isang pinuntahan ng mga pulis at ilang residente ang bahay ng umano’y drug users at pushers upang kunwa’y magsagawa ng rally.

Layunin ng shame campaign na hikayating sumuko at magbagong-buhay ang mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga.

Ipapasok sila sa Bahay Pag-Asa Center para sumailalim sa reformation program at kung ayaw pa ring magbago ay saka sila huhulihin ng mga pulis.

Sa datos ng PNP-Bataan, nasa isang libong users na ang sumailalim sa reformation program.

Plano naman ng Regional Police Office na ipatupad sa buong rehiyon ang shame campaign bilang bahagi ng paglaban sa iligal na droga.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,