Tinaguriang 1 thousand finger na saging matatagpuan sa La Union

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 1274

TOTO_AMAZING-SAGING
Hindi makapaniwala ang 60 anyos na si Nanay Vangie Hipol sa naging bunga ng itinanim nitong saging sa kanilang bakuran na matatagpuan sa Central West Bauang, La Union.

Ayon sa kanya, ngayon lang sya nakakita ng uri ng saging na kung mamunga ay halos sumayad na sa lupa.

Pero sa dami ng bunga ng sanging na ito, ay apektado na ang paglaki ng pinakahuling bahagi ng bunga nito.

At ayon sa municipal agriculturist ng Bauang, La Union, maaaring pag-aralan ng mga experto ang uri ng saging na ito upang mapakinabangan ang lahat ng bunga nito.

(Toto Fabros / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,