Tipster sa operasyon ng droga, planong bigyan ng pabuya

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 652

DELA-ROSA
Irerekomenda ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan din ng pabuya ang malalaking operasyon ng ipinagbabawal na gamot.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag mataposang tagumpay na operasyon ng mga operatiba sa Claveria, Cagayan noong Linggo kung saan nakakumpiska ng PNP, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Bureau of Customs ang 900 milyong pisong halaga ng pinaniniwalaang shabu dahil sa pakikipagtulungan ng mga sibilyan.

Ngunit ayon kay Dela Rosa dapat mas mangibabaw sa mga mamamayan ang kagustuhang mapuksa ang operasyon ng illegal drugs sa banda kaysa makakuhang ibibigay na pabuya.

(UNTV RADIO)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: