Tollways, naghahanda na sa inaasahang bulto ng mga sasakyan sa susunod na Linggo

by Radyo La Verdad | March 20, 2024 (Wednesday) | 339

METRO MANILA – Naghahanda na ang toll operators sa inaasahang bulto ng mga sasakyan sa expressways sa susunod na Linggo.

Ayon kay Toll Regulatory Board Spokesperson Julius Corpuz, maglalagay sila ng mas maraming traffic signages, patrol officers at security personnel upang masiguro ang maayos at ligtas na pagbiyahe ng mga motorista.

Magdaragdag din sila ng ambulant tellers upang hindi humaba at magtagal ang pila sa toll booths.

Tinatayang magsisimula ang peak ng mga sasakyan na lalabas ng Metro Manila para sa long holiday sa susunod na Miyerlues, March 27.

Tags: ,