Top ranking official ng BIFF, sumuko na sa AFP Maguindanao

by Erika Endraca | November 1, 2020 (Sunday) | 876

Sumuko na sa 33rd Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang mataas na pinuno ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters  (BIFF) sa barangay Kamasi Ampatuan Maguindanao, Biyernes (October 30) ng hapon.

Kinilala ito na si Abdulgani Dimalen, Deputy Chief of Staff ng Karialan faction na nag-ooperate sa Central Mindanao.

Ayon sa WestMincom, ang pagsuko ni Dimalen ay maitituring na isa sa pinakamalaking dagok sa pwersa ng mga rebelde.

Si Dimalen ay kumalas sa grupo upang makapagsimula ng maayos na pamumuhay at matanggap ang benebisyong laan sa ilalim ng balik loob program ng pamahalaan. Isinuko rin nito ang isang M14 rifle.

(Fe Gayapa | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,