Tracker team na tutugis sa Drug Queen ng Maynila, binuo na ng Pangulo

by Radyo La Verdad | September 27, 2019 (Friday) | 1354

Bumuo na ng tracker team si Pangulong Rodrigo Duterte na tutugis kay Guia Gomez Castro, ang tinaguriang Drug Queen ng Maynila.

Batay sa record ng Bureau of Immigration, September 21 ng lumabas ng bansa si Castro patungong Thailand.

Ayon kay sen. Christopher Bong Go, nais ng Pangulo na maibalik agad sa bansa ang tinaguriang Drug Queen.

Nagkausap rin po kami ni Pangulong Duterte at mayroon na po siyang inatasan na hanapin at maibalik dito at managot yung sinasabing Drug Queen na Guia Gomez,” ani Sen. Christopher Bong Go.

Samantala naglabas na ng Immigration Lookout Bulletin Order ang Department of Justice laban kay Castro.

Tags: , ,