Tulong para sa OFWs, ibibigay na ng DFA sa DMW simula July 1

by Radyo La Verdad | June 23, 2023 (Friday) | 6639

METRO MANILA – Ibibigay na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Migrant Workers (DMW) ang assistance-to-nationals programs nito para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) simula July 1, 2023.

Base ito sa nakasaad sa Republic Act 11641 kung saan ang DMW na ang hahawak ng lahat ng tulong na kakailanganin ng OFWs.

Pero paglinaw ng DFA, sakop lamang ng kautusang ang bansang may itinayong Migrant Workers Offices (MWOs) sa Asia-Pacific, Middle East, North Africa, Europe at Americas.

Sa mga OFW na nangangailangan ng tulong na kasama sa mga bansang may MWOs) makipag-ugnayan lamang sa DMW hotline 87221144 o sa 87221155. O di kaya ay magpadala ng inyong mensahe via email.

Tags: ,