Ulat na 400 ang kabilang sa delegasyon ni Pangulong Duterte sa pagbisita sa Israel, pinabulaanan ng Malacañang

by Radyo La Verdad | September 4, 2018 (Tuesday) | 2870

Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat na nasa apat na raan ang kabilang sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita nito sa Israel at Jordan.

Lumabas sa isang news report sa Israel na nasa 400 umano ang kasama ng punong ehekutibo sa byahe kabilang na ang mga top army at police officials.

Subalit ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, 46 lang ang nasa opisyal na listahan ng delegasyon sa official visit kabilang na dito ang accompanying delegates.

Mayroon ding business delegation na nagtungo sa Israel na nasa isandaan at limampu, subalit sagot umano ng mga ito ang kanilang sariling expenses.

Ayon kay Sec. Roque, hindi niya alam kung saan nanggaling o saan kinuha ang naturang ulat.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,