Ulat na aprubado na ni Pangulong Duterte ang martial law extension sa Mindanao, itinanggi ng Malacañang

by Radyo La Verdad | December 5, 2018 (Wednesday) | 1474

Itinanggi ng Malacañang ang ulat na aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na muling palawigin ang martial law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinag-aaralan pa ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon at posibleng i-anunsyo ito ngayong araw o bukas.

Kung hindi mapapalawig, sa ika-31 ng Disyembre magtatapos ang implementasyon ng batas militar sa Mindanao.

 

Tags: , ,