Ulat na may 3 batang nasawi dahil sa Dengvaxia, pinabulaanan ng Sanofi Pasteur

by Radyo La Verdad | December 5, 2017 (Tuesday) | 2554

Hiniling ng Volunteers Against Crime and Corruption sa Justice department na imbestigahan ang umano’y anomalya sa dengue vaccine program ng nakaraang adminstrasyon.

Ayon sa grupo, seryoso ang posibleng maging epekto ng Dengvaxia sa mahigit pitong daang libong bata na binakunahan nito. Pinabulaanan naman ng Dengvaxia manufacturer na Sanofi Pasteur na may mga bata na namatay matapos mabakunahan ng naturang dengue vaccine, na kinumpirma naman ng DOH.

Samantala, pinawi ng pamahalaan ang pangamba ng publiko ukol sa dengue vaccine controversy. Batay sa datos ng DOH, tinatayang isa sa sampung porsyento lang ng mga nabakunahan ang posibleng tamaan ng sinasabing “severe dengue”, ito ang tawag sa dengue infection na hindi nakamamatay at may sintomas na lagnat at pasa.

Ayon sa Sanofi, hindi awtomatikong magkakaroon ng severe dengue ang sinomang nabakunahan ng Dengvaxia.

Katuwang ang Education Deparment, binabantayan ng DOH ang kalusugan ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Ipinauubaya naman ng pamahalaan sa mga private medical practitioner kung ano ang kanilang ipapayo sa mga nakapagpabakuna na ng Dengvaxia.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

DOH, hindi na pinaburan ang apela ng Sanofi na magamit muli at mailabas sa merkado ang Dengvaxia sa Pilipinas

by Erika Endraca | August 23, 2019 (Friday) | 12625

MANILA, Philippines – Hindi na pinaboran pa ng Deparment of Health (DOH) ang apela ng French Pharmaceutical Giant Sanofi Pasteur na baliktarin ang desisyon ng Food And Durg Administration (FDA) na muling magamit ang Dengvaxia Vaccine sa bansa.

Nanatili aniyang “ revoked” ang Certificate of Product Registraton ng Dengvaxia sa Pilipinas dahil kulang ang mga dokumentong isinumte ng Sanofi

Kailangan aniyang makapagsumite ang Sanofi ng mga post- marketing commitments na hindi nila naisumite dahil pruweba ang mga dokumentong na ligtas sa kalusugan ng tao ang Dengvaxia

Feb. 2019 nang kanselahin ng DFA ang CPR ng Dengvaxia dahil sa panibagong desisyon ng DOH nitong Augsut 19 lalabas na hindi na nga pwedeng gamitin ang Dengvaxia sa mass immunization at ibigay sa mga Pilpipino kontra dengue .

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,

Duterte, umapela sa mga magulang na huwag matakot sa bakuna

by Jeck Deocampo | January 30, 2019 (Wednesday) | 28824

METRO MANILA, Philippines – Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Sa ulat ng World Health Organization, nakapagtala ng mahigit 17,200 reported cases ng measles o tigdas sa Pilipinas mula Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon. Mas mataas ito ng 367 porsyento kung ikukumpara sa naitalang kaso sa kaparehong buwan noong 2017.

Ayon sa Department of Health, 40 porsyento ang ibinababa ng bilang ng mga nagpabakuna noong 2018 para sa measles na ikinababahala ng pamahalaan.

“You’re gonna have outbreaks, sooner than later,” ani DOH Secretary Francisco Duque III.

Kaya nanawagan ang Punong Ehekutibo sa mga magulang na huwag matakot na pabakunahan ang kanilang mga anak.

“Do not be lulled and be complacent about it kasi ang sanggol talaga kailangan (‘yan). Iyong Dengvaxia lang kung ayaw ninyo, okay lang. But lahat ng anak ninyo hindi naman tayo nagkulang sa bakuna eh ‘di — because it is good and it is for the health of the person noong maliit pa hanggang lumaki,” ani Pangulong Duterte.

Ayon pa sa Presidente, dahil sa nangyaring kontrobersiya kaugnay ng bakuna kontra dengue o ang dengvaxia mess ay bumaba ang bilang ng mga magulang na pinapabakunahan ang kanilang mga anak. Hindi lamang sa measles kundi maging ang mga bakuna sa diphteria, tetanus, hepatitis at polio ay iniiwasan na rin.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , , , , , , ,

Ban sa pagbebenta ng Dengvaxia, posibleng palawigin pa ng higit isang taon – DOH

by Radyo La Verdad | December 11, 2018 (Tuesday) | 12625

Eksatong isang taon na sa ika-29 ng Disyembre 2018 ang pagkakasusipindi sa lisenysa ng French pharmaceutical giant na  Sanofi Pasteur na ibenta ang Dengvaxia sa bansa.

Paliwanag ng DOH, posibleng palawigin pa ang ban sa kontrobersyal na anti-dengue vaccine lalo na’t kasalukuyan pang nireresolba ang pinsalang naidulot nito sa kalusugan ng Dengvaxia vaccinees, maging ang epekto nito sa health system sa bansa.

Matatandang pinatawan ng suspensyon ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sanofi dahil sa hindi nito pagsusumite ng post-marketing authorization requirements.

Ibig sabihin, hindi nakapagsumite ng mga kaukulang dokumento ang Sanofi upang patunayan na ligtas ang kanilang produkto na maibenta sa merkado.

Ayon sa DOH, hindi rin matityak ng Sanofi ang kaligtasan ng Dengvaxia, lalo na’t ika-29 ng Nobyembre 2017 ang Sanofi mismo ang naglabas ng pahayag na hindi na maaaring ibakuna ang Dengvaxia sa mga seronegative o mga batang hindi pa nagkakaroon ng dengue dahil posibleng magkaroon ang mga ito ng severe dengue.

Ayon pa sa DOH, maging ang mga regulatory agencies sa mundo na nagbigay ng lisensya upang magamit ang Dengvaxia gaya ng Brazil ay nagtakda na rin ng regulasyon na hinidi na ito dapat ibigay sa mga batang hindi pa nagkakaroon ng dengue infection.

Batay sa pinakahuling findings ng Department of Health (DOH), nasa 24-25 na ang kaso sa mga batang nabakunahan ng Dengvaxia ay namatay dahil nagkaroon ng severe dengue.

Samantala, hinihintay rin ng DOH na maaprubahan sa bicam sa Kongreso ang supplemental budget para sa vaccinees mula sa refund na ibinalik ng Sanofi sa DOH na umabot sa P1.16 bilyong piso.

Sinabi naman ni DOH Undersecretary Eric Domingo na posibleng bago matapos ang taon ay maghahain na ng kaso ang Office of the Solicitor General laban sa French pharmaceutical giant kaugnay ng Dengvaxia controversy.

 

( Aiko Miguel  / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News