Ulat na pagsusulong ng revolutionary government ng ilang opisyal ng pamahalaan, nakakaalarma – VP Robredo

by Radyo La Verdad | November 30, 2017 (Thursday) | 1213

Nakakaalarma ang ulat na pagsusulong ng revotionary government ng ilang opisyal ng pamahalaan ayon kay Vice President Leni Robredo.

Kasabay ng panggunita sa ika-154 kaarawan ng ama ng Philippine Revolution na si Andres Bonifacio ngayong araw, nakakasa rin ang mga kilos-protesta para hikayatin si Pangulong Rorigo Duterte na ideklara ang pagkakaroon ng revolutionary government.

Muli namang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ayaw ni Pangulong Duterte ng revolutionary government.

Nanawagan din ang Malakanyang na gawing mapayapa ang isasagawang mga demonstrasyon ngayong araw.

 

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,