P154 na dagdag sa minimum wage, hihilingin ng labor group

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 3050

REY_SAHOD
Nagpapadagdag ang grupo ng mga manggagawa ng P154 para sa kanilang minimum wage o arawang kita.

Ayon sa Trade Union Congress of the Phiilippines o TUCP, bukas ay maghahain itong petisyon sa DOLE upang bago sumapit ang labor day sa May 1 ay makapagdesisyon na ang wage board.

Sa ngayon ay P481 ang minimum wage sa National Capital Region subalit ayon sa grupo, nasa p364 na lamang ang real value o purchasing power nito dahil sa inflation at pagtaas ng cost of living.

Ito ay batay anila sa pagtaya narin ng National Wage and Productivity Commission.

Noong Abril nang nakaraang taon ay P136 ang hiniling ng mga manggagawa subalit P15 lamang ang inaprubahan.

Samantala, umabot na sa 27.1M ang mga manggagawa na nasa underground economy base sa datos ng TUCP.

Ito anila ay kinabibilangan ng mga informal sector workers gaya ng mga jeepney, truck, tricycle, bus drivers at konduktor, wet and dry vendors, truck assistants, sales ladies, barbers, beauticians at port workers.

Resulta umano ito ng tanggalan sa mga formal sector.

Dahil sa mas maliit na kita ng mga ito ay lumiliit din ang tyansa na makapag bayad sila sa mga social protection gaya ng SSS, PHILHEALTH at PAGIBIG.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , , ,

Labor groups, umapela sa Kongresong pagbotohan na ang panukalang umento sa sahod

by Radyo La Verdad | May 9, 2024 (Thursday) | 3733

METRO MANILA – Makalipas ang 3 pagdinig, nakikiusap na ang mga labor group sa House Committee on Labor and Employment na magdesisyon na kaugnay ng mga panukalang taasan ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa pribado at pampublikong sektor.

Nasa P150 hanggang P750 kada araw ang proposed legislated wage hike na inihain sa House of Representatives.

Samantalang sa Senado, pasado na ang P100 dagdag sahod sa minimum wage.

Gayunman, iginiit ng House Committee on Labor and Employment, kinakailangan pa ng dagdag na datos mula sa stakeholders kaugnay ng mga panukalang inihain para sa umento sa sahod.

Hindi pa rin tiyak kung madedesisyunan ito ng komite sa susunod na Linggo.

Samantala, nagpulong naman ang national wages and productivity commission noong nakalipas na Lunes upang talakayin ang kanilang hakbang kaugnay ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na repasuhin ang minimum wage rites sa buong bansa.

Tags: ,

Labor groups, muling nanawagan na isabatas na ang umento sa sahod

by Radyo La Verdad | April 26, 2024 (Friday) | 4510

METRO MANILA – Muling nanawagan kahapon (April 25) ang mga labor group na

isabatas na ang umento sa sahod, ilang araw bago ang pagdiriwang ng labor day

sa May 1.

Ayon sa kanila, hindi na talaga sasapat ang kasalukuyang minimum wage
para sa pangunahing gastusin o pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino.

Ibinahagi rin ng mga ito na magsasagawa sila ng malawakang kilos protesta sa iba’t ibang
lugar sa bansa, partikular na sa Mendiola sa mismong araw ng paggawa sa May 1
na dala ang panawagang: “Dagdag sahod isabatas!”



Tags: ,

PNP at AFP tiniyak ang katapatan sa konstitusyon

by Radyo La Verdad | January 31, 2024 (Wednesday) | 83565

METRO MANILA – Nananatiling tapat sa konstitusyon ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kaya naman hindi na anila kailangang isailalim pa sa loyalty check ang kanilang mga tauhan kasunod ng panawagan ni Dating Pang. Rodrigo Duterte sa pulis at militar na kumilos laban sa People’s Initiative at ipagtanggol ang konstitusyon.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, hindi nakikisawsaw sa pulitika ang mga pulis.

At sa halip ay nakatutok aniya sila sa trabaho para sa peace and order ng bansa.

Tags: ,

More News