Umano’y P8.7-Billion right-of-way scam, sinimulan nang imbestigahan ng senado

by Radyo La Verdad | December 11, 2017 (Monday) | 1966

Sinimulan na ng senado ang 8-point-seven billion pesos right-of-way scam. Humarap ngayong araw  sa pagdinig ng Senate Joint Committee ng blue ribbon  at public works sina dating DPWH Secretary Rogelio Singson at Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ayon kay Secretary Aguirre, batay sa kanilang hawak na whistleblower, malaking sindikato ang nasa likod ng bilyon-bilyong pison anomalya.

Sinabi ni Aguirre na  gumagawa ng pekeng titulo, gumagamit ng hindi tunay na pangalan at ipinipirisinta sa DPWH upang makakuha ng claims para sa right-of-way scam.

Ayon sa kalihim, posibleng sangkot dito ang mga dating matataas na opisyal ng nakaraang administrasyon kabilang na sina  Singson at dating Budget Secretary Florencio Butch Abad.

Tags: , ,