Umano’y pagbebenta ng mga armas ng AFP sa mga terorista, nais paimbestihagan sa Kamara

by Radyo La Verdad | December 19, 2018 (Wednesday) | 20012

Nais paimbestigahan ni Magdalo Party List Rep.Gary Alejano ang umano’y pagpagbebenta ng mga armas na pagmamay-ari ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa mga terorista.

Ito’y kasunod ng pagkakaaresto sa mag-asawang supplier umano ng armas sa Maute Terrorist Group.

Nakuha sa mga ito ang mga baril at bala na may tatak ng AFP at Philippine Army.

Ayon sa mambabatas, maghahain siya ng resolusyon para maimestigahan ito ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Dagdag pa ni Alejano, isa ang problemang ito sa nagtulak sa kanila noon para magprotesta laban sa administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo.

Tags: , ,