Umano’y planong “ambush me” kay Atong Ang, ibinunyag ni Sec. Aguirre

by Radyo La Verdad | May 5, 2017 (Friday) | 2672


Nakatanggap umano ng mapagkakatiwalaang impormasyon si Justice Sec. Vitaliano Aguirre tungkol sa planong “ambush me” ni Charlie “Atong” Ang ngayong weekend.

Palilitawin umano na inambush si Ang at saka ito ibibintang kay Aguirre at kay National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Una nang inakusahan ni ang ang dalawang cabinet official na nag-utos umano sa NBI upang i-neutralize siya.

Ngunit ayon kay Aguirre, bukas siya sa anomang imbestigasyon at sa katunayan pinaiimbestigahan na niya ito sa NBI.

Ibinunyag din ni Aguirre na limang NBI agent ang nagsisilbing protector ni Ang.

Isa aniya sa mga agent ang pinanggalingan ng impormasyon na diumano ay ipinapapatay niya ang gambling operator.

Sinabi pa ng kalihim na desperado lamang si Ang.

Gusto lamang aniya nitong makaganti sa ginawang operasyon ng pulisya sa iligal nitong mga pasugalan sa Tuguegarao City at tatlo pang bayan sa Cagayan.

(Roderic Mendoza)

Tags: , ,