UN Special Rapporteur Agnes Callamard, muli na namang pinuna ang EJK’s sa bansa

by Radyo La Verdad | March 24, 2017 (Friday) | 923


Pinayuhan ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard si Tourism Sec. Wanda Teo na huwag isisi sa media at sa mga naging pahayag ni Vice President Leni Robredo ang pagkonti ng mga nahihikayat na turista sa bansa.

Sinabi ni Callamard sa kanyang tweet na ang pamahalaan at mga pulis ang dapat pagsabihan ng kalihim upang itigil na ang mga umano’y extrajudicial killings.

Una nang sinabi ni Sec. Teo na lagi siyang tinatanong ng mga potential clients kung ano ang tunay na sitwasyon sa bansa tuwing iimbitahan niya ang mga ito na pumunta sa bansa.

Tags: , ,