UNTV Cup Season 7, nagsimula na kagabi

by Radyo La Verdad | September 4, 2018 (Tuesday) | 2124

Dumagundong ang Smart Araneta Coliseum sa lakas ng hiyaw ng mga fans para sa kani-kanilang sinusuportahang koponan sa UNTV Cup.

Aminado si Senator Sonny Angara ng Senate Defenders na magiging mahigpit ang laban ng paticipating teams ngayong season.

Ngayong season seven, kasama na sa line-up ng defending champion Senate Defenders si Peoples Champ Senator Manny Pacquiao.

Ipinaabot naman ni Bro. Eli Soriano ng Members Church of God International (MCGI) at Mr. Public Service Kuya Daniel Razon ng UNTV ang kanilang pagkilala sa pakikiisa ng labindalawang government agencies sa UNTV Cup.

Bago naman ang opening ng UNTV Cup Season 7, may ipinagkaloob naman na public service ang UNTV Action Center katuwang ang ilang ahensya ng pamahalaan.

Mas mabilis na pagproseso ng mga dokumento ang inihatid ng Social Security System (SSS), National Bureau of Investigaton (NBI), Philippine Postal Corporation, Pag-IBIG Home Development Mutual Fund at Philppine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,