UNTV, Kuya Daniel Razon at programang Rise and Shine, ginawaran ng pagkilala ng BFP

by monaliza | March 31, 2015 (Tuesday) | 917

award-bfp

Ginawaran ng pagkilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang UNTV, ang programang Rise and Shine, at si Kuya Daniel Razon bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa pagsusulong ng fire safety sa bansa ngayong Fire Prevention Month.

Sumailalim sa pagsasanay kamakailan ang UNTV Fire Brigade Team sa National Fire Safety Institute sa Camp Vicente Lim upang mas mahasa ang grupo sa pagresponde sa sunog at iba pang sakuna.

Ang UNTV Fire Brigade ay bahagi ng adbokasiya ng istasyon na “Tulong Muna, Bago Balita,” na pinasimulan ni Kuya Daniel Razon, ang CEO ng UNTV.

Ginawaran naman ang programang Rise and Shine dahil sa naitutulong nito sa fire safety information dissemination.

Bagama’t tapos na ang  Fire Prevention Month, nangako ang ahensiya na ipagpapatuloy ang Barangay Ugnayan Project. Target ng nasabing proyekto ang mga lugar na maraming naninirahang informal settlers na kadalasang nagiging biktima ng  sunog. (Joan Nano, UNTV  Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0