UNTV, pinarangalan bilang Most Outstanding Internet, Cable and TV Station sa Gawad Amerika awards 2015 sa Holywood, California

by Radyo La Verdad | November 9, 2015 (Monday) | 1980

KRISTY_GAWAD-AMERIKA
Tumanggap ng parangal ang UNTV bilang Most Outstanding Internet, Cable and TV Station sa 2015 Gawad Amerika awards kahapon sa Celebrity center, Hollywood, California.

Ayon sa mga organizer ng Gawad Amerika, kinilala ng grupo ang UNTV dahil sa mga adbokasiya nito at public services gaya ng Tulong Muna Bago Balita na idea at pinangunahan ni Mr.Public Service Kuya Daniel Razon.

Ang Gawad Amerika ay kilalang award giving body dito sa Amerika na kumikilala sa mga individual at organisasyong nakagagawa ng katangi-tanging kontribusyon sa komunidad.

Bukod sa UNTV, ilan ding kilalang mga personalidad ang tumanggap ng parangal mula sa Gawad Amerika ngayong taon gaya nila, Congresswoman Leni Robredo na tumanggap ng Lakandula award, Media Icon Boy Abunda para sa Lifetime Achievement award.

Maging ang ating kasangbahay na si William Thio ay tumanggap ng pagkilala bilang Most Promising Male News Personality na sya ding tumanggap ng award ng istasyon.

Ayon naman kay Noli Saballa, Asst. News Director ng UNTV North America, ang parangal na ibinigay ng Gawad America sa UNTV ay patunay lamang na ang kampanya ni Kuya Daniel na ang paggawa mg mabuti ay hindi magbubunga ng masama ay nakikita hanggang dito sa North America, at magpapatuloy ang paggawa ng UNTV ng mga public services para sa ating mga kapwa tao may parangal man o wala.

Ang mga public services ng UNTV ay naisasakatuparan, una sa tulong ng Dios at sa pakikipagtulungan ng grupong Ang Dating Daan ni Bro. Eli Soriano o mas kilala bilang The Old Path sa Amerika na maaalalang binigyang parangal din ng Gawad Amerika noong 2010 bilang Most Informative Religious Program.(Kristy Rosacia/UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,