UNTV Singapore, ginawaran ng parangal bilang natatanging media organization

by Radyo La Verdad | November 2, 2017 (Thursday) | 881

Ginawaran ng parangal ng Gawad Sulo Foundation Singapore ang UNTV News and Rescue Singapore bilang natatanging media organization na may malaking bahagi sa pagpapatatag ng Filipino Community sa Singapore.

Ang parangal ay tinanggap ng isa sa ating UNTV correspondent na si Maila Guevarra. Aniya, inspirasyon sa grupo ang palaging pagtuturo ng kinikilala nating mentor na si Kuya Daniel Razon at sa patuloy na pag-agapay ng pangunahin nating katuwang sa mga serbisyo publiko, ang Members Church of God International.

Bukod sa UNTV, ang ilan sa mga kinilala bilang natatanging indibidwal ay sina  Ambassador Antonio Morales ng Philippine Embassy Singapore at Labor Attache Ramon Lamberto Pastrana ng POLO Singapore.

Samantala, lubos din ang kagalakan ni Ambassador Zeny Leong na matunghayan ang mga pagsisikap ng mga Pilipino sa pagpapaunlad ng kapakanan ng bawat isang bumubuo ng Philippine Society sa bansa.

Ang Gawad Sulo Foundation Singapore ay umaasang marami pang Filipino sa ibang bansa ang magpapasimula ng iba’t-ibang serbisyo publiko at kawang-gawa anoman ang kanilang katayuan sa buhay para sa pag-unlad ng lipunan.

 

( Queenie Ballon / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,