US, bukas sa panukala ng Pilipinas na West Philippine Sea Joint Patrols – Amb. Goldberg

by Radyo La Verdad | February 4, 2016 (Thursday) | 820

US-Ambassador-Philip-Goldberg
Bukas ang Estados Unidos sa panukalang pagpapatrolya sa West Philippine Sea kasama ang Pilipinas.

Ito ang inihayag ni U-S Ambassador to the Philippines Philip Goldberg kaugnay sa Joint-Patrol Agreement na iminungkahi ng Department of National Defense matapos ideklara ng Korte Suprema na constitutional ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Bagamat hindi direktang sinabi ni Goldberg na magkakaroon ng bagong pagpapatrolya sa West Philippine Sea, tiniyak naman nitong patuloy na isusulong ng Estados Unidos ang Freedom of Navigation sa naturang lugar.

Tags: , , ,