US nagbabala ng posibleng pag-atake sa kapital ng Uganda

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 2149
Kampala, Uganda/Reuters

Kampala, Uganda/Reuters

Nakatanggap umano ng impormasyon ang United States sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa mga lugar na tinutuluyan ng mga Westerners sa Kampala, Uganda.

Ayon sa ilang impormasyon mula sa website ng US embassy sa Kampala, dahil sa babala, nagkansela ang US mission ng ilang mga nakatakda nilang event sa mga local hotel.

Pinagiingat rin ng embahada, ang mga foreigner sa bansa at inabisuhan na mananatili sa mga hotel at asahan ang mahigpit na security check sa kanila.

Ang Uganda ay isa sa mga kaalyadong bansa ng Estados Unidos sa Africa. Noong nakaraang taon ay nagpalabas rin ang embahada ng US ng katulad na babala.

Tags: , , , ,