“Very good” satisfaction rating, napanatili ng Duterte administration

by Radyo La Verdad | August 6, 2018 (Monday) | 2028

Napanatili ng Duterte administration ang “very good” satisfaction rating sa second quarter ng taon batay sa Social Weather Station (SWS) survey.

72% ng respondents ang kuntento sa performance ng pamahalaan, 13% ang taliwas dito habang 15% naman ang undecided.

Kabilang sa mga proyekto at programa ng pamahalaan na nakakuha ng mataas na “very good” ang building and maintenance ng DPWH, reconstruction ng Marawi City, proteksyon sa mga OFW, pagtulong sa mahihirap at pagsusulong ng karapatan ng kababaihan.

Good naman ang rating sa protection of human rights, government transparency, kampanya sa terorismo at krimen, foreign relations at kampanya sa graft and corruption.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,