Video ng pulis na ginawang target range ang kapwa pulis, viral sa social media

by Radyo La Verdad | June 19, 2016 (Sunday) | 1550

SOCIAL
Trending ngayon sa social media ang video ng isang pulis na ginawang live target sa firing range ng kanyang superior officer.

Isang Jun Ledesma ang nag-upload ng video sa Facebook kung saan sinabi nito na nangyari ang insidente noong May 19 sa Victorias City sa Negros Occidental.

Kwento ni Ledesma, inutusan umano ni Supt. Frederick Mead si PO1 Marvin Gustilo na maglagay ng lobo sa pagitan ng kanyang binti upang gawing target range.

subalit sa halip na tamaan ang lobo, paa ni Gustilo ang tinamaan ng bala nang paputukin ni Mead ang isang M16 assault rifle dahilan para mapaluhod ito at bumagsak.

Taliwas umano ang naunang ulat kung saan nakasaad na aksidenteng natamaan ng bala ng baril si Gustilo habang inaayos nito ang target board ni Mead sa mga pahayag at video na inilabas ni Ledesma.

Sa ngayon ay umabot na libu-libong shares ang nasabing video sa Facebook.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,