Voting Registration para sa BSKE 2023, magsisimula ngayong araw

by Radyo La Verdad | December 12, 2022 (Monday) | 25210

METRO MANILA – Simula na ngayong araw (December 12) ang voter registration para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)

Tatagal ang pagpaparehistro ng mga botante hanggang January 31, 2023.

Ang registration ay isasagawa mula Lunes hanggang Sabado, ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa lahat ng tanggapan ng COMELEC sa buong bansa.

Nabatid na lahat ng uri ng aplikasyon ay tatanggapin nila sa pagpapatuloy ng voter registration, kabilang dito ang bagong botante, pag-transfer ng rehistro, reactivation ng rehistro, at reinstatement ng rehistro.

Tags: , ,