VP Duterte, nanguna sa mga napipisil na maging susunod na pangulo

by Radyo La Verdad | June 12, 2023 (Monday) | 2031

METRO MANILA – Nanguna si Vice President Sara Duterte sa mga napipisil ng mga Pilipino, na maaaring pumalit kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior kapag natapos ang kaniyang termino.

Batay ito sa latest survey ng social weather stations. Nanguna si VP Sara matapos makakuha ng 28% na puntos.

Pumangalawa naman si Senator Raffy Tulfo na may 11%. Sumunod si Former Vice President Leni Robredo na may 6%;

Dating Pangulong Rodrigo Duterte na may 3%; At Senator Manny Pacquiao na may 2%.

Tig 1% naman ang puntos na nakuha ni Senator Robin Padilla at Former Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Nakakuha rin ng 1% ang kapatid ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si Senator Imee Marcos at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.

Ang survey na kinomisyon ni Arnel Ty ay ginawa noong April 15 hanggang 18 sa 1,200 respondents.

Tags: , ,