VP Leni Robredo, nakaboto na sa Tabuco Elementary School, Naga City

by Radyo La Verdad | May 13, 2019 (Monday) | 705

NAGA CITY, Philippines – Nakaboto na si Vice President Leni Robredo kanina bandang alas-9:52 ng umaga sa Tabuco Elemtary School sa Naga City Bicol.

Kasama ng ikalawang Pangulo ang kaniyang dalawang anak na babae na sina Aika Robredo at si Tricia Robredo o Robredo siblings.

Sa Cluster 112 bumoto ang Bise Presidente kasama ang kaniyang pamilya.

Dahil walang special treatment sa mga Clusters, na-obliga ang Ikalawang Pangulo kasama ang Robredo siblings na dumaan sa proseso na pumila at maghintay upang makaboto.

(Allan Manansala | UNTVNews)

Tags: ,