Wala pang biometrics, tinatayang nasa 3-milyong botante pa – COMELEC

by Radyo La Verdad | October 28, 2015 (Wednesday) | 1105

VOTER
Dagsa ang mga botanteng magpaparehistro sa mga tanggapan ng Commission on Elections ngayong huling linggo ng voters registration.

Ayon sa COMELEC, tinatayang nasa tatlong milyo pa ang hindi pa rin rehistrado o walang biometrics.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nagpadala na sila ng augmentation force para sa crowd control.

Nagdagdag na rin sila ng voter registration machines para sa biometrics capture sa metro manila kung saan may pinakamaraming last minute registrants.

Tags: , ,