Wi-Fi system na tatlong beses na mas mabilis, dinevelop sa M-I-T

by Radyo La Verdad | August 26, 2016 (Friday) | 678
Photo credit: sciencealert.com

Photo credit: sciencealert.com

Dinevelop ng mga researchers sa Massachusetts Institute of Technology ang isang wi-fi system na tatlong beses na mas mabilis kaysa wi-fi na ginagamit ngayon.

Tinawag ang wi-fi system na Mega-MIMO 2.0, na layong mas pabilisin ang internet sa mga matataong lugar na may wi-fi gaya ng mga paliparan at convention centers.

Ayon sa mga researcher, bumabagal ang internet sa mga pampublikong lugar dahil sa limitado ang wireless spectrum na dadaanan ng data, na mareresolba ng Mega-MIMO sa pamamagitan ng multiple access points nito.

Sa ngayon ay nakikipag-usap na ang mga researcher sa ilang kompanya upang i-integrate sa mga wi-fi routers ang bagong system.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,