Window hours sa number coding scheme sa EDSA at C-5, aalisin ng MMDA

by Radyo La Verdad | October 7, 2016 (Friday) | 2323

mmda-logo
Simula sa darating na Nobyembre ay aalisin na ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang window hours sa number coding scheme sa edsa at c-5.

Sa ipatutupad na bagong no window coding scheme, hindi na pahihintulutang dumaan ang mga pribadong sasakyan sa EDSA at C-5 mula ala syete ng umaga hanggang alas syete ng gabi.

Ngunit pwede namang dumaan sa mga side streets at pahihintulutang ding tumawid sa EDSA.

Tatagal ang naturang scheme hanggang sa enero ng susunod na taon.

Ayon sa MMDA tinatayang nasa dalawampung porsyento ng volume ng mga sasakyan ang mababawas sa EDSA at C-5 dahl dito.

Sakaling maging maganda ang resulta ay posibleng gawing permanente ang pagpapatupad ng no-window coding scheme.

Tags: , , ,

Grace period sa panghuhuli ng mga E-bike at E-trike sa national roads, pinalawig pa ng isang Linggo

by Radyo La Verdad | May 21, 2024 (Tuesday) | 18592

METRO MANILA – May dagdag na 1 Linggong pataan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga E-bike at E-trike na dadaan sa national roads.

Ayon sa MMDA, sa susunod na Lunes, May 27 na nila sisimulan ang panghuhuli, paniniket, at pag-iimpound ng mga E-bike at E-trike.

Ipinaliwanag ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Don Artes napagdesisyunan ng ahensya na magsagawa pa ng 1 Linggong information drive.

Noong April 18 nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan pa ng 1 buwan na grace period ang mga E-bike at E-trike user dahil sa kakulangan ng awareness at daing na masyadong mataas ang multa na aabot sa P2,500.

Ayon sa MMDA, nabawasan na ang mga E-bike at E-trike users na nagtatangkang dumaan sa national roads sa loob ng nakalipas na 1 buwan na grace period.

Sa oras na maniket ang MMDA, 1,000 ang magiging multa sa mga E-bike at E-trike users kung meron silang dalang driver’s license habang 2,500 naman kung walang lisensya at ma-iimpound pa ang kanilang sasakyan

Tags:

Pag-alis ng bike lane sa Edsa, pinag-aaralan ng MMDA

by Radyo La Verdad | April 24, 2024 (Wednesday) | 19029

METRO MANILA – Pinag-aaralan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang

pag-alis ng bicycle lane sa Edsa.

Plano ng ahensiya na palitan na lamang ito ng motorcycle lane.Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, ito ay dahil aabot lang naman sa 1,500 ang mga bisikletang dumaraan sa Edsa kada araw habang nasa 117,000 na motorsiklo ang gumagamit ng lansangan bawat araw.Sa ngayon ay wala pa naman aniyang deadline para sa pag-aaral ng MMDA at Department of Transportation (DOTr) para sa
motorcycle lane sa Edsa maging sa pag aalis ng bicycle lane.




Tags: , ,

MMDA, sisimulan ang panghuhuli sa mga E-bike at E-trike sa national road sa May 18

by Radyo La Verdad | April 22, 2024 (Monday) | 21170

METRO MANILA – Nagbigay ng grace period ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbabawal sa mga E-bike at E-trike na dumaan sa national road.

Ayon sa ahensya, sa May 18 na lang istriktong ipatutupad ang panghuhuli sa mga nasabing e-vehicles pero babala nito hindi ibig sabihin ay pwede nang magsamantala ang mga E-bike at E-trike na dumaan sa national roads sa loob ng itinakdang grace period.

Pinag-aaralan naman ngayon ng ahensya na maibalik sa mga may-ari ang na-impound na mga E-bike at E-trike nang hindi na magbabayad ng multa.

Tags: ,

More News