WISHful Journey Album, sold out sa loob lamang ng ilang oras

by Radyo La Verdad | June 19, 2018 (Tuesday) | 2480

Mula alas kwatro ng hapon kahapon ay pila-pila na ang mga fans ng WISHful 5 para sa release ng WISHful Journey Album sa Mother Ignacia St. sa Quezon City.

Ang mga ito ay mula pa sa iba’t-ibang lugar at sabik na sabik na magkaroon ng kopya ng pinakaabangang album. Hanggang magdilim ay matiyagang naghintay ang mga tao.

Ngunit dahil sa libo-libong fans ang dumagsa, sa loob lamang ng ilang oras ay opisyal nang inanunsyo ng Star Music na sold out na ang album ng mga WISHful.

Samantala, overwhelmed naman sa matinding buhos ng suporta ang mga rising stars. Nag-uumapaw naman ang pasasalamat ng mga ito sa kanilang mga tagahanga.

Ito rin anila ay naging dagdag na motibasyon sa kanila para pagbutihan ang performance sa WISHful Journey concert.

Ang WISHful Journey Album Launch Concert ay isasagawa mamaya sa Smart Araneta Coliseum, alas siyete ng gabi.

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,