World Health Organization, nireject ang panawagan na ipagpaliban ang olympics dahil sa Zika

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 3277

WHO
Hindi pinakinggan ng World Health Organization o WHO ang panawagan na ipagpaliban ang Rio Olympic Games dahil sa banta na pagkakaroon ng malawakang Zika virus outbreak.

Nasa isangdaang siyentipiko ang nagsabing hindi na dapat ipagpatuloy ang olympic games dahil sa banta ng Zika Virus.

Ayon sa W-H-O, hindi makakaapekto sa pagkalat ng Zika, ituloy man o hindi ang pagdaraos ng olympic games sa Agosto.

Tags: , ,